GOOD NEWS: MAKAKARATING SA PASKO CHRISTMAS CAROLING NG IFM DAGUPAN, HANDOG AY REGALO SA MGA NAPILING KABAHAYAN

Bilang bahagi ng “Ningning ng Pasko”, ang taunang Christmas Tree Lighting Activity ng RMN at IFM Nationwide, handog ng aming team ang Christmas Caroling kasama pa rin ang Christmas Station ID na Makakarating Sa Pasko.
Lumibot kahapon, December 22, 2022 ang team iFM Dagupan sa ilang barangay ng Dagupan. Sa Bonuan Gueset, Pantal, Mamalingling, Malued, Bacayao at Lucao upang maghanap ng pitong bahay na magiging recipient ng caroling. Pero imbis na sila ang magbigay ng pamasko sa amin, ang iFM Dagupan ang nagbigay ng pamaskong handog para sa kanila. Nakatanggap sila ng noche buena at iba pang grocery package at ACS Manufacturing Corporation products.
Ang aktibidad na ito ay ginagawa rin sa iba’t ibang iFM ay RMN Stations nationwide. Kaakibat ang mensahe na kahit ano man ang problema, ang saya ng pasko ay tiyak na makakarating sa inyong mga tahanan.
Facebook Comments