Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na sinimulan nang ipaliwanag sa mga kinatawan ng European Union dito sa Pilipinas ang mga nangyari kahapon kung saan pinaulanan ng mura ni Pangulong Duterte ang mga ito.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ngayon ay tiyak na may kumakausap at nagpapaliwanag na sa mga EU representatives sa kung ano ang pinaghuhugutan ng galit ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Abella na hindi naman EU ang pinatutungkulan ni Pangulong Duterte at sa halip ay ang 7 member delegation na mula sa International Delegates of Progressive Alliance na nagpakilala umanong isang EU delegation.
Sinabi din naman ni Abella na tiyak na lilinawin ni Pangulong Duterte ang nasabing isyu sa tamang panahon.
Facebook Comments