Handa ang pamahalaan na mangutang mga sa international financial institutions para madagdagan ang pondong pangugo sa COVID-19 health crisis.
Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, ipinaalam na ito sa kanila ng mga cabinet members noong tinatalakay nila ang Bayanihan to Heal as One Act.
Sinabi ni Lacson na base sa impormasyong ibinigay ng Gabinete, may standby loan na sa World Bank para sa COVID-19 at bukod pang grant mula sa Asian Development Bank.
Pabor din si Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos sa planong pag-utang ng Department of Finance (DOF) para matiyak na may sapat na pondo kahit mapalawig pa lagpas ng April 30 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Paliwanag ni Marcos, dapat samantalahin ng pamahalaan ang pagkakataon na may mababang interest rates ang mga bangko dahil posibleng tumagal pa ng ilang buwan ang krisis dulot ng COVID-19.
Giit ni Marcos, hindi economic target ang dapat hinahabol ngayon kundi buhay ng tao.