Nakapagtala ang pamahalaan ng sobrang kita o fiscal surplus nitong nagdaang Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ito ay dahil sa mas malaking koleksyon sa buwis kumpara sa naging gastusin ng pamahalaan.
Aniya pa na batay sa datos ng Bureau of Treasury, naitala ang 45.7 bilyong piso ang fiscal surplus ng gobyerno nitong Enero.
Ito ay taliwas sa 23.38 bilyong pisong fiscal deficit na naitala sa parehong panahon noong isang taon.
Ayon pa sa kalihim na ang magandang fiscal balance na naitala ng bansa nitong Enero ay resulta ng paglago ng kita ng gobyerno ng 25.2% o katumbas ng 70.092 bilyong piso habang nasa 0.3% lamang ang nagastos ng pamahalaan.
Facebook Comments