Pumirma ng loan agreement ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF) at World Bank na aabot sa halagang $600 milyon.
Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), ang inutang na ito ng gobyerno sa World Bank ay para sa Philippine Rural Development Project na makatutulong sa pag-angat o pagpapaganda sa sektor ng agrikultura maging ang pagsasamoderno ng industrialized sector sa pamamagitan ng public infrastructure interventions at pagpapalakas ng value chain.
Ang proyekto ay makakatulong para mapadali ang access ng mga magsasaka at mangingisda sa mga palengke, tataas ang income ng mga piling agri-fishery value chains, at mapapaganda at food supply chain.
Ayon pa sa PCO ang proyekto ay maipapatupad sa 16 na rehiyon, 83 lalawigan sa bansa na magbebenepisyo ng 450,000 magsasaka at mangingisda at makakapagbigay ng 42,000 mga bagong trabaho.