Gobyerno ng Australia, naka-alerto na sa posibleng thunderstorm asthma outbreak

114

Australia – Naka-alerto ang gobyerno ng Australia sa posibleng thunderstorm asthma outbreak.
Kaugnay ito ng mga pag-ulan at malakas na hangin na maaaring magdala ng asthma attack dahil sa mga pollen sa halaman.
Matatandaang noong nakaraang taon, aabot sa siyam ang namatay dahil sa hirap sa paghinga dahil sa asthma.
Maliban dito, nasa mahigit walong libo rin ang kinailangan ng atensyong medikal kaya’t nagkaroon na ang Australia ng mekanismo upang balaan ang publiko.

Facebook Comments