Nag-alok ngayon ang gobyerno ng Singapore sa mga mamamayan nito ng bonus sa sinumang magkakaroon ng bagong silang na sanggol ngayong may COVID-19 pandemic.
Sa pahayag ni Singapore Deputy Prime Minister Heng Swee Keat, nakatanggap sila ng report na marami sa kanilang mamamayan ang umiiwas muna o nagpa-planong huwag munang magkaroon ng anak dahil na rin sa problemang dulot ng COVID-19 tulad ng kakapusan ng pera at kawalan ng trabaho.
Aniya, naisipan nilang bigyan ng pandemic baby bonus ang mga mag-asawa na magkakaroon ng anak upang hindi sila magdalawang-isip pa hinggil sa mga gastusin bukod pa ito sa ibinibigay ng gobyerno na sustento para sa mga bata.
Nabatid na ang bansang Singapore ang isa sa mga may lowest birth rates sa buong mundo kung saan ilang dekada na nilang pinagpaplanuhan kung paano muling dadami ang kanilang populasyon.