Gobyerno ng South Korea, umaapela sa mga mamamayan nito na pairalin pa rin ang health protocols sa selebrasyon ng Chuseok o Thanksgiving

Umaapela ang gobyerno ng South Korea sa mga mamamayan nito, maging sa mga turista na pairalin pa rin ang minimum health protocols tulad ng social distancing sa selebrasyon ng kanilang “Chuseok” o Thanksgiving.

Ito’y kahit pa bahagyang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa, kung saan inaasahan na ang pagdagsa ng nasa higit isang milyong Korean na uuwi upang makapiling ang kanilang pamilya sa nasabing okasyon.

Nabatid na simula bukas, September 30, 2020 ay uumpisahan na ang three-day holiday at sa pagsapit ng October 1, 2020 ay dito na ipagdiriwang ang Chuseok na mas kilala din na “Autumn eve”.


Base naman sa Korea Disease Control and Prevention Agency, nakapagtala sila ng 39 na bagong kaso ng COVID-19 kung kaya’t pumalo na sa 23,699 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit at nasa 407 na ang nasawi.

Facebook Comments