Siniguro ng Department of Finance, na patuloy na popondohan ang human capital development lalo na sa mga kabataan para sa patuloy na pagpapababa ng unemployment rate sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sa pamamagitan nito ay mas maihahanda ang mga manggagawang Pilipino sa mga dekalidad na trabaho.
Pagtitiyak pa ni Diokno, na isinusulong pa rin ang fiscal policies na hihimok sa mas marami pang mga investors na magbubunga ng maraming trabaho na magreresulta ng pagpapababa ng poverty rate o bilang ng mga mahihirap na Pilipino.
Dadag pa ng kalihim ng DOF, na malapit nang makamit ang 4% hanggang 5% na overall unemployment rate na target ng Marcos administration.
Facebook Comments