Gobyerno, pinaglalatag ng contingency plan sakaling sumiklab ang gulo sa pagitan ng China at Taiwan

Pinaghahanda ng contingency plans ni Senate President Chiz Escudero ang pamahalaan para sa posibleng paglikas sa mga kababayang nasa Taiwan.

Ito ay kung sakaling tuluyang lusubin ng China ang Taiwan na pinangangambahang makaka-apekto sa daang libong mga Pilipinong nagtatrabaho doon.

Inihalimbawa ni Escudero ang sumiklab na civil war sa bansang Syria kung saan kinailangan ng bansa na mag-adapt ng iba’t ibang contingency measures para matiyak ang kaligtasan at repatriation ng mga kababayang nagtatrabaho sa Taiwan.


Partikular na pinaglalatag ng contingency plans ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) para matiyak ang ligtas na paglilikas at relokasyon ng mga kababayan.

Bukod dito, dahil malapit lang ang Taiwan sa Pilipinas ay posibleng may kakayahan naman ang Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces na sunduin ang mga kababayan lalo na kung may makitang pagkakataon sakaling sumiklab ang kaguluhan sa rehiyon.

Facebook Comments