
Iginiit ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang pangangailangan na maglatag agad ng contingency plan sakaling tuluyang sakupin ng China ang Taiwan.
Diin ni Magsino, dapat nakakasa na ang mga hakbang, tulad ng repatriation, para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mahigit 152,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan.
Hiling ni Magsino sa pamahalaan lalo na sa Manila Economic and Cultural Office, manatiling mapagmatyag at patuloy na makipag-ugnayan sa mga ahensiya at pandaigdigang institusyon upang tiyakin ang seguridad ng ating mga kababayan sa Taiwan.
Suportado din ni Magsino ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. hinggil sa kahandaan ng ating bansa sa anumang maaaring mangyari sa Taiwan.