Gobyerno, pinakikilos ng isang senador kaugnay sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa giyera sa Israel at Hamas group

Pinakikilos ni Senator Christopher Bong Go, na agad magpatupad ng government intervention ang bansa sa gitna ng inaasahang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin dahil sa giyera sa Israel sa pagitan ng Hamas group.

Hiniling ni Go na gamitin na ang mga natitirang pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at maging sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) para sa ayuda sa ating mga kababayan.

Nanawagan si Go, na gamitin na ang mga natitirang pondo sa mga nabanggit na ahensya upang makaagapay sa ating mga kababayan sa patuloy na pagtaas ng mga presyo.


Kasabay nito, muling nananawagan ang senador sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA)na tiyaking ‘all accounted for’ ang mga Pinoy sa Israel.

Dapat aniyang ilikas na nang maaga ang mga Pinoy upang mabigyan din ng kapayapaan ng isipan ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.

Nagpahayag na rin ng pakikiramay si Go sa pamilya ng mga Pinoy na nasawi sa Israel.

Facebook Comments