MANILA – Iginiit ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa gobyerno na ikasa agad ang isang contingency plan para sa alternatibong paraan ng pag-remit ng kita ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sakaling marami pang mga lokal na bangko ang magsara ng kanilang mga remittance centers sa ibang bansa.Ang panawagan ni Marcos ay kasunod ng babala ang Department of Finance na posibleng madagdagan pa ang mga nagsarang remittance shops ng mga lokal na banko sa ibang bansa matapos masangkot ang Pilipinas sa 81 milyong dolyar na nakulimbat ng mga hackers sa Bangladesh Bank.Ayon kay DOF Secretary Cesar Purisima ilang mga foreign banks na ang kamakailan ay nagsara ng accounts ng mga money transfer operators na nagseserbisyo sa mga OFW atkung magpapatuloy ang ganitong pangyayari maaring mapilitang magbayad ng doble ang mga OFW sa pagpapadala ng kanilang pera sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.Punto pa ni Marcos, tinatawag nating mga bagong bayani ang mga OFW dahil ang kanilang remittances ang nagdadala ng takbo ng ating ekonomiya kaya nararapat lamang na gawin natin lahat ng paraan para masiguradong hindi sila mahihirapang magpadala ng kanilang naipon nila sa kanilang pamilya at hindi kailangang magbayad ng karagdagan.
Gobyerno, Pinapakilos Ng Isang Sendor Para Tulungan Ang Mga Ofws Kaugnay Sa Pagsasara Ng Remittance Centers
Facebook Comments