Pinatutugunan ng minorya sa pamahalaan ang kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa mga “Made in China” na COVID-19 vaccines.
Ayon kay BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co, ang “trust issues” ng mga Pilipino sa bakuna na gawa ng China ay nauunawaan naman lalo’t sa China nagsimula ang virus.
Para aniya upang magkaroon ng kumpyansa ang mga Pilipino sa Sinovac at Sinopharm ng China, ang Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at Department of Science and Technology (DOST) ay dapat na maglabas sa publiko ng verified at audited data sa “effectiveness” ng Sinovac at Sinopharm.
Pinag-iisyu rin ang mga ito ng update sa status ng clinical trials at mga report kaugnay sa adverse reaction ng bakuna.
Dapat ding ipaalam sa publiko ang “world data” tulad ng ilan ang mga nagkasakit ng COVID-19 sa kabila ng nabakunahan ng Sinovac at Sinopharm at gaano karami ang nagkaroon ng sintomas at kung mild, moderate, severe at kritikal.
Kung maipapakita aniya ng mga nabanggit na ahensya na walang masamang mangyayari sa mga nabigyan ng COVID-19 vaccines ng China ay mas magiging katanggap-tanggap ito sa mga Pilipino.