Gobyerno, pursigidong mapaluwag ang mga piitan sa bansa

Hindi tumitigil ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para mapaluwag ang mga piitan sa bansa, lalung-lalo na ang New Bilibid Prison (NBP) na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na kabilang sa mga hakbang na ito ay ang National Jail Decongestion Summit na inilatag para magkaroon ng komprehensibong pagsusuri sa penal system sa bansa.

Ibinida ni Catapang, na tuloy din ang pagsisikap nila na mapanatili ang International Organization for Standardization (ISO) Certification na iginagawad ng third party auditors para sa BuCor.


Base aniya sa pinakahuling assessment, natukoy na kahit congested ang pitong piitan na pinatatakbo nila ay napapanatili naman ang kaayusan dito.

Batay pa aniya sa ISO assessment, na kahit masikip ang mga piitan ay nakakagalaw naman ang mga persons deprived of liberty (PDLs) at ramdam ang mga pagbabago.

Facebook Comments