Gobyerno, target ang 300,000 ektaryang lupain na mapagkalooban ng irigasyon

300,000 ektarya ang nais abutin ng National Irrigation Administration (NIA) na mabiyayaan ng irigasyon na lupain sa buong termino ng Marcos administration.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 hectares at ang kailangan lang ay partnership.

Kaya ayon kay Guillen dito na papasok ang Public Private Partnership o PPP na aniya’y makapagpapabilis sa target na lawak ng lupaing mabigyan ng irigasyon.


Sinabi pa ni Guillen na nasa 20,000 ektarya lamang kada taon ang nagagawang i-turnover at nais nilang lampasan ito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang PPP ayon kay Guillen ang nakikita nilang makakatulong sa pagkakamit na 300,000 hectares na lupaing makikinabang sa irigasyon na siya namang ipinupursige ng Marcos administration sa mga infrastructure projects nito.

Facebook Comments