Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 7,000 hanggang 13,000 immunocompromised persons sa unang araw ng pagtuturok ng 2nd bosster shot.
Ito ang sinabi National Vaccine Operations Center chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje kaugnay sa nationwide rollout ng 4th dose ng COVID-19 vaccine sa Lunes, April 25.
Dahil dito, sinabi ni Cabotaje na sapat ang suplay ng bakuna sa bansa upang bigyan daan ang pagbabakuna ng 2nd booster shot.
Siniguro naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas ang mga bakunang gagamitin sa pagtuturok ng ika-apat na dose ng bakuna.
Tinatayang 690,000 immunocompromised individuals ang natanggap na ang kanilang third dose.
Bibigyan ang mga ito ng 4th dose kung naiturok na ang third dose matapos ang tatlo hanggang apat na buwan.