Gobyerno, tatanggap na ng mga reklamo laban sa mga ahensyang lumalabag sa ease of doing business

Manila, Philippines – Handa nang tumanggap ang gobyerno ng reklamo laban sa mga ahensyang hindi kinukumpleto o tinatapos ang transaksyon na hindi lalagpas sa 20 araw.

Ito ay sa ilalim ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

Ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica – maaari nang i-direkta ang mga reklamo sa mga ahensya lalo na at pirmado na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.


Sabi ni Belgica – ang IRR ay nakatakdang ilabas ngayong araw ay magiging epektibo 15 araw matapos ang publication.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na magkaroon ng simple transactions na magtatagal lamang ng tatlong araw habang ang mga complex transactions ay pitong araw at mga highly technical transactions ay sa loob ng 20 araw.

Facebook Comments