Gobyerno, tiniyak ang pagmomonitor sa sitwasyon sa Korean Peninsula

Korean Peninsula – Tiniyak ngayon ng pamahalaan ang kanilang patuloy na pagbabantay sa umiinit na sitwasyon sa Korean Peninsula.

Ito ay sa harap na rin ng banta ng North Korea na bobombahin ang Guam na teritoryo ng Estados Unidos bilang sagot at mga banat at banta ni US President Donald Trump.

Ayon kay Office of the Civil Defense Deputy Administrator Kris James Purisima, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan sila sa Department of National Defense at sa Armed Forces of the Philippines pati na sa ilang kinauukulang tanggapan ng pamahalaan upang matiyak ang kahandaan sakaling totohanin ng North Korea ang kanilang banta.


Kaugnay niyan ay sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, walang anti-missile system ang Pilipinas pero ang ginagawa aniya nila ay magbantay at tiyakin na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng mamamayan sakaling gawin nga ng North Korea ang kanilang banta at hindi ito maging matagumpay na posibleng maging resulta ng pagbagsak ng mga missile debris sa mga lugar na malapit sa karagatan.

Facebook Comments