BODEGA NA PINAGMAMAY-ARI NG ISANG CHINESE NATIONAL, NIRONDA NG KAPULISAN MGA BALA NG BARIL, NAKUMPISKA

Ni ronda ng City intelligence Unit ng Cagayan de Oro City Police Office ang isang warehouse na may lamang mga bala ng ibat ibang calibre ng baril.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Dennis Alcantar ng Branch 18, dahil sa paglabag sa RA 10591, pinasok ng otoridad ang isang warehouse sa V. Castro St. Brgy. Carmen sa lungsod kagabie, na pinag-mamay ari ng isang Jay Tan.

Nasabat ng mga otoridad ang 13 rounds ng live ammunition ng 7.62mm, 23 live rounds ng 5.56 mm, 15 live rounds ng .50 caliber, 5 short magazine, 1 long magazine, 2 sako ng empty shells ng .50 caliber at 129 packs ng spent shells ng 40 mm.


-o0o-

By: kasamang Joanna Ricote

Facebook Comments