Gobyerno tiyak na haharang sa anomang tangka na pigilan ang pagsubasta ng mga alahas ng mga Marcos

Inihayag ng Palasyo ng Malacañan na haharangin ng Gobyerno ang anomang plano ng mga Marcos na pigilan ang pagsusubasta ng mga alahas na sinasabing bahagi ng mga ill-gotten wealth ng mga ito.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, gagawin ng Pamahalaan ang kinakailangang gawin para pigilan ang anomang tangka ng panig ng mga Marcos na matigil ang pagsusubasta ng mga alahas.

 

Sinabi din naman ni Panelo na pagaaralan pa niya ang issue kung mayroon bang kakayanan ang mga Marcos na pigilin ang pagsubasta, ito ay dahil sinabi ng PCGG na wala nang legal na balakid para ipasubasta ang mga alahas ng mga Marcos.


 

Pero naniniwala naman si Panelo na korte lang naman ang makapipigil ng pagsubasta at malaya naman ang mga Marcos na sumali sa auction depende sa magiging latag ng mga patakaran ng Presidential Commission on Good Government o PCGG dito.

Facebook Comments