Umaasa ang pamahalaan na malaki ang maitutulong ng bagong binuong water management body para masolusyunan ang epekto ng El Niño.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaasahan nIyang dahil sa elniño maapektuhan nito ang supply ng portable drinking water at irigasyon sa bansa.
Pero ayon sa pangulo na kahit walang El Niño ay may problema talaga sa tubig ang bansa.
Kaya mahalaga aniya ang binuong Water Resource Management Office na naka-attach sa Office of the President at sa Department of the Environment and Natural Resources o DENR.
Bukod dito, umaasa rin ang pangulo na makakapasa sa kongreso ang panukalang batas na may kinalaman sa pagbuo ng Department of Water Management.
Facebook Comments