Contempt order laban sa dalawang opisyal ng cold storage facility, binawi na ng Kamara

Inalis na ng House Committee on Agriculture and Food ang contempt order laban sa mga ikinulong na opisyal ng Super 5 cold storage facility na sina Michael King Ang at George Ong.

Ayon kay Committee Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga, binawi nila ang contempt order kina Ang at Ong matapos silang magsumite ng mga dokumento at mangakong makikipagtulungan sa mga susunod na pagdinig.

Kaugnay ito sa imbestigasyon ng komite sa hoarding at manipulasyon sa presyo ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural.


Ang dalawa ay ikinulong sa gitna ng pagdinig noong Marso 21 dahil sa magkakasalungat at paiba-ibang sagot sa tanong ng mga mambabatas na nagpapakitang tila sila ay nagsisinungaling.

Facebook Comments