Gobyerno, umaasang tutulong ang US Coastguard at Airforce assets nito sa patuloy na oil spill clean-up operations sa Oriental Mindoro

Umaasa ang pamahalaan na tutulong rin ang Coastguard ng Estados Unidos at ilan sa kanilang air assets para sa patuloy na oil spill operations sa Oriental Mindoro.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Ayon sa kalihim kahapon ay nag-report kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of National Defense (DND) Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., kaugnay sa update sa on-going oil spill clean-up operations.


Sinabi raw ni Secretary Galvez sa Pangulo na inaasahan nilang sa mga susunod na araw ay darating sa bansa ang team ng US Coastguard at ang C5 na pinakamalaki at strategic airlifter ng Amerika.

Kahapon ay nagsagawa ng aerial inspection sina Secretary Galvez kasama sina Office of the Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno at Philippine Coast Guard (PCG) Chief Admiral Artemio Abu sa oil spill sa karagatan ng Mindoro at karatig probinsya.

Naniniwala si Galvez na malaking tulong ang presensya ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) para sa clean-up operations.

Batay sa pinakuhuling ulat mayroon ng mahigit 10,000 litro ng oil waste at oily water ang nakuha sa karagatang apektado ng oil spill at mayroon ring mahigit 72,000 kilos ng oil na contaminated ng debris ang nakolekta.

Aabot naman mahigit 95 milyong piso ang naipaabot ng tulong sa mga apektadong residente.

Facebook Comments