Pakiusap ngayon ng Department of Trade and Industry o DTI sa tatlong malalaking supermarket na palawigin hanggang Disyembre ang pagbebenta nila ng murang asukal.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na sa ngayon ay tanging ang Puregold, SM at Robinsons Supermarket ang nagbebenta ng P70 kada kilo ng white sugar batay na rin sa naging pakiusap sa kanila kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pero, nananatili aniyang tig isang kilo kada customer lamang ang pwedeng ibigay ng supermarket para maraming makabili ng murang asukal.
Batay sa kasunduan ay magbebenta sila ng P70 kada kilo ng asukal hanggang maubos lamang ang pangako nilang dami ng suplay.
Facebook Comments