Italy – Natagpuan ang mga sinaunang Roman coins sa bayan ng Como.
Halos 300 barya na gawa sa purong ginto na pinaniniwalaang ginamit bilang currency noong Roman Imperial Era.
Nadiskubre ito na nakatago sa loob ng isang soapstone jar sa basement ng Cressoni Theater.
Ayon kay Culture Minister Alberto Bonisoli, patuloy na sumasailalim sa pagsusuri at pag-aaral sa mga makasaysayang barya.
Sinasabi naman ng mga numismatist o eksperto sa mga rare coins, posibleng itinago ang mga barya at ibinaon sa lupa ng mga tao noon kung sakaling kinakailangan ay may mahuhugot silang pera.
Facebook Comments