SEA Games – Hindi na pinakawalan pa ng Gilas Pilipinas ang kanilang titulo matapos talunin ang bansang Indonesia sa 2017 Southeast Asian (SEA) Games sa iskor na 94-55.
Pinangunahan ni Mike Tolomia ang Gilas sa 20 points na sinuportahan naman ng 14-points ni Kobe Paras.
Dahil dito, nakapagtala na ang koponan ng ika-17 panalo sa basketball competition sa nasabing tournament simula noong taong 1977.
Ito na ang ika-18 na gold medal ng bansa sa nagpapatuloy na 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Facebook Comments