Gold medal, nasungkit ng isang atleta mula sa Capiz, sa nagpapatuloy na 29th South East Asian Games

161

Roxas City, Capiz – Nasungkit ng atletang Capizeño ang isang gold medal sa nagpapatuloy na 29th South East Asian Games sa Malaysia.
Nanguna ang 22-anyos na si Dines Dumaan ng Panitan, Capiz, sa 45-50 kg division ng Pencak Silat Tanding Putra Class A Category at nakuha nito ang pang-24 na gold medal ng Pilipinas sa nasabing event na ginanap sa Kuala Lumpur Convention Center.
Tinalo ni Dumaan sa finals ang pambato ng Indonesia. Si Dines Dumaan ay nagtapos ng kanyang secondary education sa Panitan National High School at nakapagtapos ng kanyang kolehiyo sa lungsod ng Roxas.

Maliban kay Dumaan nakakuha rin ng isang bronze medal ang isa pang Capizeño na Rick Rod Ortega sa sa larangan din ng Pencak Silat.


Facebook Comments

From Advertisers