Gold Water Pump System ng Isang Paaralan sa San Mariano Isabela, Ninakaw!

San Mariano, Isabela – Kinumpirma ng hepe ng San Mariano Isabela na ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek ang gold water bump system ng Bitabian National High School Annex.

Ayon  kay Police Chief Inspector Fedimer Quitevis ng PNP San Mariano, na kahapon lamang umano nadiskubre ng mga guro sa nasabing paaralan na nawawala ang water pump system.

Aniya, maaring sa kasagsagan ng bagyong rosita o sa haba ng bakasyon ninakaw ng mga suspek ang water pump.


Sinabi pa ni PCI Quitevis na hindi naman umano natangay ng bagyo dahil sa mabigat ito at maari rin umano na dalawang suspek ang kumuha ng nasabing bagay.

Idinagdag pa ng hepe na maaring nagkakahalaga ng mahigit tatlumpung libong piso ang gold pump water system na ninakaw.

Samantala, may nakuhang impormasyon na umano ang pamunuan nito sa hinihinalang suspek kung saan ay kanila na itong iniimbestigahan.

Facebook Comments