Inaagnas na Bangkay ng Lalaki sa Quezon Isabela, Natagpuan!

1854

Quezon, Isabela – Natagpuan kahapon ng isang magsasaka ang bangkay ng lalaki na inaagnas na sa kanal ng irigasyon sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Dennis Matias, hepe ng PNP Quezon, sinabi niya na ang bangkay umano ay nakasuot ng dilaw na t-shirt at dilaw na short pants, malaki ang pangangatawan at nasa 5’ 6 hanggang 5’ 8 ang taas nito.


Aniya, nakita umano ng magsasakang si Roger Ganaba Dela Cruz ang bangkay habang inaayos umano nito ang water pipe na kaniyang inilagay sa irigasyon.

Idinagdag pa ng hepe na ipinarating umano ni Dela Cruz sa mga opisyal ng barangay ang hinggil sa bangkay at sila narin umano ang nagsadya sa kanyang tanggapan.

Kaugnay nito, nasa Funeral Carbonel na sa naturang lugar ang bangkay para sa maaring maghanap na kamag-anak ng biktima.

Facebook Comments