Mariing itinanggi ni NBA Superstar Kevin Durant ang kumakalat na balitang sinisisi niya ang kaniyang dating koponan na Golden State Warriors sa paglala ng tinamong injury noong NBA Finals.
Sa kaniyang unang panayam matapos ang hindi inaasahang pangyayari, nilinaw nitong ginusto niyang maglaro sa Game 5 kontra Toronto Raptors noong nakaraang season para mauwi ang inaasam na kampyeonato.
Aniya, hindi rin totoo ang naglabasang ulat na prinessure siya ng Golden State Warriors na bumalik sa hard court kahit may iniindang sakit.
“Nobody never said a word to me during rehab as I was coming back. It was only me and (trainer) Rick (Celebrini) working out every day. Right when the series started, I targeted Game 5. Hell, nah. It just happened. It’s basketball. S— happens. Nobody was responsible for it. It was just the game,” pahayag ni Durant.
Matatandaang lumagda si Durant ng four-year contract deal sina nagkakahalaga ng $164 million o mahigit P8 billion sa Brooklyn Nets team.