‘GOOD AS NEW’ | Balangiga bells, aayusin at lilinisin bago ibalik

Aayusin muna ang mga Balangiga bells bago ito tuluyang ibiyahe pabalik ng Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez matapos ang seremonya na idinaos sa Wyoming na hudyat ng pagbabalik ng mga bell sa bansa.

Ayon kay Romualdez, dadalhin sa Philadelphia, Pennsylvania ang dalawang Balangiga bells para linisin at ayusin para muling magmukhang bago.


At pagkatapos, ipapadala ang mga bell sa US Airbase sa South Korea kung saan narooon naman ang isa pang bell.

Mula doon ay sabay-sabay na ibibiyahe ang mga kampana pabalik ng Pilipinas kung saan posibleng sa unang linggo ng Disyembre ay nasa bansa na ang mga ito.

Facebook Comments