DISQUALIFIED | PT&T, umapela na sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Iniakyat na ng kumpanyang Philippine Telegraph & Telephone Corp. (PT&T) sa Korte Suprema ang kanilang apela matapos madiskwalipika sa third telco selection process.

Nagpadala na ang PT&T sa National Telecommunications Commission (NTC) ng liham para ipaalam ang ginawa nilang hakbang.

Kahapon, November 16 ay huling araw ng PT&T para makapaghain ng apela sa en banc ng NTC.


Ang PT&T ay nadiskwalipika kasama ang Sear Consortium sa isinagawang selection process para sa third telco.

Facebook Comments