Ipinag-utos ngayon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa mga opisyales ng Talitay na magtrabaho ng naaayon sa sinumpaang tungkulin.
Ipakita aniya sa mga residente ng bayan na mamuno ng maayos at at manilbihan sa bayan kasama ng mga empleyado ng LGU sa mismong Municipal Hall.
Ang mga pahayag ni Governor Bai Mariam ay matapos ang isinagawang Flag Raising Ceremony kahapon sa harap mismo ng Municipal Hall.
Pangunahing layunin ng pagtungo ng mismo ng Gobernadora sa Talitay ay para muling maibalik ang magandang pamamahala sa bayan at maibigay ang mga basic services sa taumbayan.
Ikinalungkot rin ng Gobernadora na tila napag-iiwanan ang Talitay bunsod na rin sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng mga opisyales at ang nagsasakripisyo ngayon ay ang mga residente.
Matatandaang nagsimula ang mga kontrobersiya sa Talitay matapos maisama sa Drug List ni Pangulong Rody Duterte ang nooy Alkalde Montaser Sabal. Nasundan pa ito ng makumpiskahan ito ng mga high powered firearms at naging Wanted sa batas.
Bukod sa alklade ay nakaladkad din ang pangalan ng noong Vice Mayor Allan Sabal, matapos isangkot sa Davao Bombing.
Ngunit sa kabila nito, patuloy na pinamunan ng magkapatid ang Talitay. Nanalong Mayor si Allan Sabal habang Vice Mayor si Montasser Sabal noong 2019 .
Samantala , noong buwan ng Pebrero ay nabaril at napatay si Mayor Sabal habang nasa Maynila.
Bagaman wala na ang Alklade, hindi naman nagpapakita sa opisina ang Vice Mayor dahil patuloy itong pinaghahanap ng batas. First Councilor naman ng bayan si Moner Sabal.
PNP TALITAY File Pic