GOOD NEWS: 10 taong Rido sa Iranun Towns naayos na!

Bumuhos ang emosyon sa isinagawang Rido Settlement sa pagitan ng mga kilala at mga prominenteng pamilya magmula sa Iranun Towns sa unang distrito ng Maguindanao kaninang umaga .
Pinangunahan ni 603rd Brigade Commander BGen Jesus Sarsagat ang syang tumatayong chairman ng Iranun Inter Agency Task Force kasama sina 37th IB Commander Col. Florencio Pulitod Jr. mga Iranun Town Mayor na kinabibilangan ni Buldon Mayor Abolais Manalao, Barira Mayor Abdulradzak Tomawis, Parang Mayor Ibrahim Ibay at representante mula sa tanggapan ni Matanog Mayor Kits Guro ang pag-aayos sa mahigit isang dekadang away pamilya sa pagitan ng angkan ng mga Macapaar, Macapeges, Ramalan, Salik, kontra sa angkan ng Malambut, Hadji Salam, Hadji Rahaman, Macarimbang at Castro.
Hindi rin maisalarawan ang damdamin ng mga dating nag aaway na pamilya matapos maiayos ang dating hidwaan at magkaakapan ang bawat isa.
Nagpapasalamat naman si Buldon Mayor Abolais Manalao sa pagtugon ng bawat pamilya kasabay ng pangako ng mga ito sa banal na Quran na muling ipaiiral ang pagmamahalan sa bawat puso.
Si Mayor Manalao ay kasalukuyang itinuturing na “The King” o “Panday” ng mga Iranun matapos manguna sa pag aayos ng mga Rido di lamang sa kanyang bayan kundi sa buong Iranun Towns.
Itinuturing ring makaysaysayang araw para sa mga Iranun ang pagkakaayos ng mga nasabing angkan dagdag pa Barira Mayor Abdulradzak Tomawis . Kaugnay nito , umaasa si Mayor Tomawis na magtutuloy tuloy pa ang pagkakaisa ng mga Iranun sa buong lalawigan.
Sinsabing 7 buhay ang nalagas dahil sa RIDO ng nabanggit na mga angkan na kalimitang nangyayari sa bayan ng Parang.


Facebook Comments