GOOD NEWS! | 100,000 passport appointment slots, binuksan ng DFA

Manila, Philippines – Nagbigay ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 100,000 available passport appointment slots mula kaninang 1:00 ng hapon.

Sabi ni DFA Secretary Alan Cayetano, binuksan nila ang nasabing bilang ng slots para sa mga buwan ng Pebrero hanggang Mayo.

Mula ala 1:00 ngayong hapon magiging available na ito online at maaari nang makapagpa-schedule ang publiko.


Inabisuhan ni Cayetano ang publiko na mag-check online at i-refresh nang i-refresh ang kanilang website.

Aniya, kung mauubos kaagad ang 100,000 slots ay tiyak na mataas talaga ang demand pero hindi rin nila inaalis ang posibilidad na may gumagalaw na sindikato.

Sa mga susunod na araw aniya ay marami pang passport appointment slots ang bubuksan sa publiko.

Kasabay nito, nagbabala si Cayetano sa mga umano’y sindikato na nambibiktima ng mga gustong makakuha ng appointment.

Facebook Comments