GOOD NEWS | 300,000 manggagawa, inaasahang mare-regular sa trabaho – DOLE

Manila, Philippines – Nasa 300,000 manggagawa mula sa isa sa pinakamalaking employer sa bansa ang inaasahang mare-regular sa kanilang mga trabaho bago matapos ang 2018.

Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay makaraang silang makipagpulong sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kung saan nagkaroon sila ng kasunduan na i-regular sa trabaho ang mg contractual employees na ito.

Dahil dito, tiwala ang kalihim, na maaabot ng DOLE ang targer nilang 600 libong mga contractual employees ang mare-regular sa kanilang mga trabaho ngayong 2018.


Sa kasalukuyan, nakapag-regular na ang DOLE ng higit 200 libong employees sa unang anim na buwan ng 2018 o kabuuang 321,964 na regular employees, mula ng ilunsad ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa ‘endo’ noong Agosto 2016.

Facebook Comments