WORLD RECORD | Food company sa Vietnam, nakakuha ng bagong record sa Guinness

Vietnam – Hindi inaasahan ng isang food company na makakasungkit sila ng record sa Guinness World Record kasabay ng kanilang ika-50th anniversary celebration.

Nasungkit ng food company na “Vifon” ang record sa pinakamadaming nai-serve na noodle soup kung saan niluto nila ito sa custom-made na bowl.

Umabot sa 2,996 pounds at 1.3 ounces ng beef pho ang nailuto ng mga chef ng Vifon at talaga naman ikinatuwa nila ang nakuhang record.


Pero, mas naging masaya ang mga taong nanood ng record breaking event dahil sila ang nakakain ng napakasarap na noodle soup.

Facebook Comments