GOOD NEWS! | 5 pang kompanya ng langis, nakatakdang magpatupad ng big time roll back bukas

Manila, Philippines – Limang kompanya pa ng langis ang magpapatupad ng big time rollback sa presyo ng kanilang mga produkto simula ala-sais ng umaga bukas, Nobyembre a-13.

Magpapatupad ang Phoenix Petroleum ng P2.50 na bawas kada litro ng gasolina habang P2 naman sa kada litro ng diesel.

P2.30 naman ang bawas sa singil ng kada litro ng gasolina ng Eastern Petroleum, PTT Philippines, Flying V at Pilipinas Shell habang P2 naman sa kanilang diesel.


May bawas din na P1.85 sa kada litro ng kerosene ang Shell at Flying V.

Nauna nang nagpahayag ng rollback sa prosy ng gasolina ang Petro Gazz kaninang umaga.

Facebook Comments