Top 10 Most Wanted sa Jones, Isabela, Arestado!

*Jones, Isabela- *Bagsak na sa kulungan ang Top 10 Most Wanted sa bayan ng Jones, Isabela matapos itong madakip ng mga otoridad kaninang 9:00 ng umaga sa brgy Sto Domingo, Jones, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Dionisio Cruz Baccal Jr, 50 anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Jones si Baccal sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong Carnapping.


Dinala na sa Jones Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang 200,000.00.

Facebook Comments