GOOD NEWS | 9 na rehiyon sa bansa, nakatakdang taasan ang daily minimum wage

Manila, Philippines – Nakatakdang taasan ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa siyam na rehiyon sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang adjustments sa daily minimum wage ay magkakaiba sa bawat rehiyon.

Aniya, nakadepende ito sa rekomendasyon ng kanilang regional tripartite wage and productivity boards pagkatapos ng konsultasyon sa labor at management representatives mula sa iba’t-ibang industriya.


Epektibo sa August 1, ang Region 3 ay mayroong 20 pesos increase.

Region 4-A ay may 9.45 pesos daily increase na ipatutupad sa August 28.

Ang Region 6 ay may increase na P8.50 hanggang P26.50 na may lima hanggang kinse pesos na Cost-of Living Allowance (COLA), epektibo nitong July 12.

Mayroon ng 20 hanggang 30 pesos na daily increase sa Region 8, 16 hanggang 18 pesos na increase sa Region 12.

Ang ARMM ay may 15 pesos na daily increase sa basic pay ng mga manggagawa.

Nakatakdang ipatupad ngayong buwan o sa Agosto ang bagong wage orders sa Region 7 na may 10 hanggang 52 pesos na daily increase; Region 9 na may 20 pesos increase at Region 11 na may 56.43 pesos.

Facebook Comments