Manila, Philippines – Masayang ibinalita ni Committee on Labor and Employment Chairman Senator Joel Villanueva na sinertipikahan ng urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang security of tenure bill na tinatawag ding anti-endo bill.
Ayon kay Villanueva, ito ang laman ng liham na ipinadala ng Pangulo kay Senate President Tito Sotto III na may petsang September 21.
Mensahe ng liham ang hiling na agad ipasa ang Senate Bill no. 1826 na naglalayong matuldukan na ang endo o pagpapataw ng ilang buwang kontrata sa mga manggagawa.
Ayon kay Villanueva, umaabot sa 1.9 na milyong mangagawang Pilipino ang apektado ngayon ng kontraktwalisasyon.
Diin pa ni Villaneuva, ang security of tenure bill ay “pro-labor, pro-business at pro-Filipino.”
Facebook Comments