Manila, Philippines – Nag-anunsyo na ng oil price hike ang ilang kompanya ng langis para bukas.
Epektibo alas 6:00 ng umaga – ang Flying V, Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex ay sabay-sabay na magtataas ng P1.15 sa kada litro ng gasolina; P0.95 sa diesel at P0.85 sa kerosene.
Kaparehong dagdag-presyo rin ang ipatutupad ng PTT Philippines, Total at Phoenix Petroleum maliban sa kerosene.
ang panibagong price adjustment ay dahil sa paggalaw ng halaga ng krudo sa world market.
Mula nong Enero 2018, pumalo na sa P8.27 ang itinaas sa halaga ng bawat litro ng gasolina; P8.25 sa kada litro ng diesel at P7.81 sa bawat litro ng kerosene.
Facebook Comments