Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong Abril.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang employment rate ay umangat ng 94.5% nitong Abril katumbas ng 40.9 million na Pilipino.
Katumbas nito ng pagbaba ng unemployment rate na 5.5%.
Ayon kay Socioeconomic Planning Usec. Jose Miguel Dela Rosa, ang pag-angat ng employment rate ay resulta ng mga trabahong handog ng mga infrastructure projects sa ilalim ng build build build program.
Patuloy na tumatatag ang employment growth rate sa industry sector na may 8.1% o 605,000 na manggagawa.
Ang construction subsector ang may malaking naiaambag sa employment na nakakapaggawa ng 480,000 na trabaho.
Facebook Comments