GOOD NEWS | Bilang ng mga tambay, bumaba

Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho.

Batay kasi sa report ng National Economic and Development Authority (NEDA), mula 2006 hanggang 2016 ay bumaba ang bilang ng mga jobless o mga tambay.

Nabawasan din anila ang mga walang trabaho sa mahihirap na lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at Eastern Visayas.


Paliwanag naman ni NEDA Director for National Policy and Planning Staff Reynaldo Cancio, lumalago na ang ekonomiya ng bansa na nagreresulta sa pagpapatayo ng maraming negosyo at pagkuha ng manggagawa.

Dagdag pa ni Cancio, marami na ring mga kabataan ang nakakakita ng trabaho sa kasalukuyan.

Facebook Comments