GOOD NEWS! | Binayarang utang ng Pilipinas nitong 2017, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ang binabayarang utang ng Pilipinas nitong 2017.

Sa datos ng Bureau of Treasury, aabot sa 680.466 billion pesos ng outstanding debt ang binayaran ng Pilipinas.

13.9% itong mas mababa kumpara sa 789.965 billion pesos noong 2016.


Nasa 229.392 billion pesos ang binayaran ng Pilipinas sa domestic sources, mas mababa sa halos 312 billion pesos noong 2016.

Nakapagbayad naman ang Pilipinas 140.534 billion pesos sa mga foreign creditors, mababa kumpara sa halos 174 billion pesos noong 2016.

Ang national government ay umuutang mula sa local at foreign sources para mapalakas ang economic activity ng bansa.

Facebook Comments