Nagwagi bilang Mr. Kannadiwan, ang proud Manaoageño na si Ginoong Marlon Estrada sa katatapos lamang na Mr. Kannawidan 2023 na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur nitong February 05 (2023).
Ang 55 years old na si Estrada, na matagal na ring isang Body Builder ang nakasungkit ng titulo sa kabila ng kanyang edad at tinalo nito ang ibang kalahok. Sumatutal, 90 bodybuilders mula Ilocos Sur at iba pang lalawigan ang naging kalahok sa nasabing patimpalak.
Bitbit ang titulo, isa na namang karangalan ang naiuwi ni Estrada para sa kanyang bayan sa larangan ng fitness and body building. |ifmnews
Facebook Comments