GOOD NEWS! | DFA, magbubukas muli ng passport appointment slots ngayong araw

Manila, Philippines – Magbubukas muli ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang slots para sa passport applications ngayong araw, June 18.

Sa abiso ng DFA, walang binuksan na slots nitong weekend para bigyang daan ang server maintenance at pag-upgrade ng online passport appointment system.

Ang appointment slots ay bubuksan mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-9:00 ng gabi.


Una nang sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na magbubukas ang ahensya ng 10,000 appointment slots bawat araw.

Facebook Comments