NANAWAGAN | Pilipinas, kabilang sa worst countries for vapers

Manila, Philippines – Napabilang ang Pilipinas sa pinakamalalang bansa sa buong mundo para sa vapers o gumagamit ng e-cigarettes.

Base sa survey ng 5th Global Forum on Nicotine, tumabla ang Pilipinas sa Brazil sa ika-11 pwesto sa listahan ng Worst Countries for Vapers.

Nangunguna sa listahan ay Thailand, Australia, India, Japan at Turkey.


Ang United Kingdom, Germany at France naman ang itinanghal na Best Country for Vapers.

Ang National Organizations of Vapers ay nanawagan na dapat kilalanin ang paggamit ng e-cigarettes at smokeless tobacco bilang epektibo at ligtas na pamamaraan kaysa sa tobacco smoking.

Facebook Comments