Bicol – Makukuha na sa susunod na linggo ng mga jeepney operators at driver sa Bicol Region ang kanilang fuel voucher.
Ito ay ang cash card na ayuda ng gobyerno sa mga PUJ dahil sa magtaas na presyo ng produktong petrolyo mula nang ipataw ang excise tax.
Ayon kay LTOP President Orlando Marquez, tig-P5,000 ang ayuda na magagamit sa loob ng anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.
Aniya, asahan naman na tataas ang ayuda sa susunod na taon kung saan dodoble na ang matatanggap ng mga driver.
Hinikayat naman nito ang mga driver na mangtungo sa LTFRB sa magiging proseso sa pag-claim ng kanilang cash card.
Facebook Comments